TUKSO SI BILAS
Habang nagsasabong ang kanyang bayaw ay sinasabong naman nya ang kanyang magandang bilas.
Maaga akong dumating mula sa aking trabaho. Magaan lang ang trabaho ko sa pier. Ipinasok akong checker sa Adwana ng aking ninong na abogado ng isang shipping company. Maganda naman ang sweldo at maraming mga pampadulas na nagdaraaan sa mga kamay ko kaya magaan sa akin ang dating ng pera.
Nagbibihis ako ng pambahay ng makita kong nasa harap ng terrace namin ang maganda kong bilas. Batang nag-asawa ito nang itanan ng aking bayaw sa edad na labing-anim na taon. Dalawampu at isa naman ang edad ng aking bayaw ng magtanan sila.
Tatlong taon na silang nagsasama ni Bayaw. Mayroon na sana silang anak noong labing-walong taon pa lang si bilas. nakunan si bilas. At hanggang ngayon ay hindi pa ito muling nagbubuntis.
Walang pirmihang trabaho si bayaw. Sinasabi ng byenan ko na balisawsawin ito sa trabaho. Kaya hindi ito nagtatagal sa kanyang trabaho.
Si Maring naman, na napangasawa nito ay masipag bagaman at bata itong nag-asawa ay napupuna naming maayos naman sa pamamahay at nagtatrabaho ito sa isang pabrika na malapit sa amin.
Naka-upo si Maring sa pasimano na nakapa-ikot sa terrace namin. Mababa lang ang pasimano ng terrace na pantay lang sa taas ng isang silya. Ito ay para magsilbi talagang upuan.
Naka-palda si Maring ng mahaba at lagpas tuhod. Pero manipis ang palda at may biyak sa harap na isinasara lang ng malalaking butones.
Maputi si bilas. Para ngang nakakasilaw sa kaputian ang kutis nya na mala-porselana. Iniisip ko nga kung paano ito nakuha ng bayaw ko. Hindi naman magandang lalaki si bayaw. Maliit pa ito. Baka mga 5’2’’ lang ang taas nito at halatang mataas pa si Maring sa kanya.
“O, nandyan ka pala Maring,” bungad ko kay bilas. Kumukuya-kuyako...
What's Your Reaction?
Due to the nature of this site, you must be logged in to react.





